Witness sa jueteng tutuluyan - DOJ
June 1, 2005 | 12:00am
Hindi maaaring tumayong testigo ang self-confessed jueteng operator na si Wilfredo Mayor laban sa iba pang jueteng operators.
Ito ang ipinahayag ni Justice Secretary Raul Gonzalez, kung saan, sinabi nito na hindi pa naman napapatunayan o maituturing na si Mayor ang may pinakamaliit na partisipasyon kaugnay sa illegal-gambling sa bansa.
Bukod ditoy, sinabi pa rin ni Gonzales na pawang mga haka-haka o hearsay ang mga ipinapahayag ni Mayor na si Presidential Son Congressman Mikey Arroyo ay sangkot sa jueteng.
Hindi aniya ito maaaring gamiting batayan upang tuluyang paniwalaang tumatanggap nga ng pera mula sa jueteng ang mga nabanggit na opisyal ng pamahalaan dahil wala namang "first hand information" ukol dito si Mayor.
Kasabay nito, inamin ni Gonzalez na hindi maaaring pigilin ng DoJ si Batangas Gov. Armando Sanchez sa nakatakdang paglabas nito ng bansa kahit pa nasa watchlist na ito ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagkakasangkot sa jueteng.
Ipinaliwanag ni Gonzalez na ipina-momonitor lamang ng DOJ ang pagbiyahe ni Sanchez at wala itong balak na harangin ang pagbiyahe ng gobernador. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am