^

Bansa

CHR pasok kay Bro. Eli

-
Hinimok ng Commission on Human Rights (CHR) ang grupo ni Bro. Eliseo Soriano na pormal na magsumite ng hiwalay na reklamo dahil na rin sa ‘indefinite suspension’ na inilabas ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ayon kay CHR spokesman Ed Diansuy, malinaw na nakasaad sa Constitution na mayroog "right to information, communication and religion’ ang bawat Filipino. At sakali mang mapatunayan na nilabag ng kautusan na ipinalabas ng MTRCB ang mga nakasaad sa Konstitusyon ay malinaw na paglabag ito sa karapatang pantao.

Ito ang naging reaksiyon ng CHR, makaraang magreklamo sa Ombudsman ang Church of God Ministry na pinamumunuan ni Bro. Eli bilang presiding minister.

Base sa reklamo ni Bro. Eli, nagpalabas ng kautusan ang MTRCB na nagbabawal na i-air/broadcast ang kanilang mga programa na ‘Ang Dating Daan, Ex-Man, Itanong Mo kay Soriano at Ang Biblia matapos tawaging Iglesia ni Manalo ang Iglesia ni Cristo (INC). Ipinagbabawal din ng nasabing kautusan na mag-painterview at lumabas sa TV si Soriano at ilan pa nitong mga kapanalig. Iginiit ni Soriano na sinikil ng MTRCB ang kanilang kalayaan sa pamamahayag dahil na rin sa suspension na inilabas nito na siyang naging dahilan upang kasuhan si MTRCB Chair Consoliza Laguardia at mga miyembro ng Adjudication Board. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ADJUDICATION BOARD

ANG BIBLIA

ANG DATING DAAN

CHAIR CONSOLIZA LAGUARDIA

CHURCH OF GOD MINISTRY

DORIS FRANCHE

ED DIANSUY

ELISEO SORIANO

HUMAN RIGHTS

SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with