^

Bansa

Asawa ng QC judge gigisahin sa Kongreso

-
Pumasok na sa imbestigasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay ng napaulat na ‘land at forest grabbing’ sa Solana, Cagayan na kagagawan umano ng isang abogado na asawa ng isang hukom sa Quezon City Regional Trial Court.

May titulong "Calling for the Investigation, in aid of legislation, on the proliferation of titling syndicates and land grabbing throughout the Philippines taking as a case in point the alleged forest grabbing issue in Solana, Province of Cagayan" ang isinumiteng House Resolution Number 727 na inisponsor ng may 37 congressman sa pangunguna ni Rep. Rodolfo Valencia.

Ayon kay Rep. Valencia, 1st District ng Oriental Mindoro, posibleng ipapatawag nila sa Kongreso si Atty. Victor Padilla na siyang itinuturong ‘kumakamkam’ sa may 375 ektaryang forestry reserve land sa Brgy. Maguirig, sa Solana.

Si Padilla, mister ni QCRTC Judge Maria Luisa Quijano Padilla ay siyang itinuturo at inirereklamo ng may 100 pamilya na pawang magsasaka sa Brgy. Maguirig na umaangkin sa ‘patrimony property’ ng bansa.

Ang grupo ng may 100 ‘indigent families’ sa pangunguna ng mag-amang Rogelio, 63; at Jose Malana, 39, ay napilitang magpasaklolo sa Kongreso dahil sa iba’t ibang uri ng pananakot mula umano sa mga armadong tauhan ni Padilla at sapilitang pinapalayas sa nasabing lupain na mahigit 30 taon na nilang tinitirahan. Nang tumangging umalis ang mga magsasaka ay dinukot umano at ikinulong ang mag-ama at pinagbantaang papatayin kapag hindi pa umalis sa lugar.

Una na ring nagharap ng kasong kidnapping, serious illegal detention, grave threats, coercion, incriminating innocent person sa DOJ ang mag-ama laban kay Padilla. (Ulat nina MRongalerios/Gdela Cruz)

BRGY

GDELA CRUZ

HOUSE RESOLUTION NUMBER

JOSE MALANA

JUDGE MARIA LUISA QUIJANO PADILLA

KONGRESO

MABABANG KAPULUNGAN

MAGUIRIG

ORIENTAL MINDORO

PADILLA

SOLANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with