P303-M plunder case vs Gen. Garcia
April 7, 2005 | 12:00am
Sinampahan kahapon ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ng P303 milyong plunder case si dating AFP comptroller na si retired Gen. Carlos Garcia at ang pamilya nito.
Kabilang sa kinasuhan ang asawa ni Garcia na si Clarita at ang kanilang tatlong anak na sina Ian Carl, Juan Paolo at Timothy Mark.
Si Garcia ang kauna-unahang pinakamataas na opisyal ng AFP na naharap sa kasong plunder na walang itinakdang piyansa.
Sinabi ng Ombudsman na nagsabwatan ang pamilya Garcia mula noong 1993 hanggang Nobyembre 17, 2004 para makuha ang nakaw na yaman mula sa gobyerno na nagkakahalaga ng P303,272,005.99.
Ang nasabing salapi ay nagmula umano sa mga kontrata sa pamahalaan na naipon ng pamilya Garcia sa pamamagitan ng mga natatanggap na komisyon, porsiyento at regalo ng mga kontratista.
Ayon pa sa Ombudsman, sinamantala ni Garcia ang kanyang posisyon at kapangyarihan bilang isang mataas na opisyal ng AFP kaya direkta siyang nakatanggap ng suhol at iba pang uri ng kickbacks.
Hindi rin naipaliwanag ng pamilya Garcia kung paano sila nagkaroon ng napakalaking kayamanan na hindi naaayon sa suweldo ng heneral.
"Respondents failed to produce any evidence of adequate financial capacity to support and sustain such massive acquisitions," ani Ombudsman Simeon Marcelo.
Magugunitang nauna nang isinampa ang forfeiture case sa pamilya Garcia sa Sandiganbayan kaugnay sa P143 milyon kayamanan, kabilang na ang dalawang apartments sa United States at mga dollar account. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended