Villanueva dadalo sa special session
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Sen. Joel Villanueva na dadalo siya sa isang special session sakaling ipatawag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Sa isang mensahe sa video na ipinalabas sa misa
ng Jesus is Lord (JIL) Church, kinilala ni Villanueva na ang kasalukuyang alitan sa pamumuno sa Senado ay lubos na nakaapekto sa institusyon. Panahon na aniya para isantabi ang anumang pagkakaiba sa politika para sa sambayanang Pilipino.
Sa kanyang mensahe sa kongregasyon ng JIL, binigyang-diin din ni Villanueva ang pangangailangang tiyakin na ang mga kawani ng Senado ay hindi “naiipit sa gitna ng labanan.”
“The Senate staff should not be caught in the middle of the fight. Hindi pwedeng puro away na lang. Bilang mga lingkod bayan po dapat nating gawin,” patuloy na gumagana ang bawat isa sa atin. Lalo na ang Senado para po sa ating mga kababayan,” ani Villanueva.
“Sa pagkakataon po na magkaroon ng special session tutuparin po natin ang ating sagradong tungkulin sa ilalim ng ating Saligang batas,” dagdag ni Villanueva.
Nauna nang iginiit ng kampo ni Acting Senate President Sherwin Gatchalian ang pagdaraos ng special session kasunod ng pagkabigo ng Mataas na Kapulungan na ayusin ang alitan sa liderato bago ito mag-adjourn sine die noong Hunyo 6.
Ngunit bago mag-adjourn ang Senado, 12 senador ang naghalal kay Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at kalaunan ay itinalaga siya bilang Acting Senate President, isang hakbang na kinilala ng Malacañang at ng House of Representatives.
- Latest



















