Website ng Kamara na-hack
MANILA, Philippines — Na-hack ang official website ng Kamara nitong Sabado, ilang araw matapos na ma-hack ang website ng Senado.
Inako naman kahapon ng nagpakilalang mga ‘collective hackers’ na sila ang responsable sa ‘breach of security ‘.
Ang cyber attack sa website ng Kamara ay sa gitna na rin ng napipintong paglilitis ng Senate impeachment court laban kay Vice President Sara Duterte.
Iginiit ng mga hackers na ang pag-hack nila sa website ng Kamara ay bilang protesta sa korapsyon sa flood control projects ng gobyerno.
“Corruption is more than stolen money, it is stolen opportunity, stolen justice, and stolen trust,” pahayag ng mga ito sa isang mensahe sa website ng Kamara.
Noong Huwebes lamang ay hinack din ang website ng Senado kung saan kinondena ni acting Senate President at Pro Tempore Sherwin Gatchalian ang insidente.
Kaugnay nito, agad nang pinaimbestigahan ng Kamara sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang nasabing cyber attack.
- Latest





















