^

Bansa

Civil case vs Ateneo, Baldwin ihain – solon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Civil case vs Ateneo, Baldwin ihain – solon
Tab Baldwi.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dapat umanong sampahan na ng kasong sibil ang pamunuan ng Ateneo de Manila University (ADMU), Ateneo Blue Eagles head coach Tab Baldwin at iba pa matapos na mamatay sa umano’y kapabayaan sina Rene Clert Baterbonia at ang Nigerian na si Divine Adili.

Ayon kay Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ordanes, ito ang kaniyang inirerekomenda na makabubu­ting inisyal na opsiyon na gawin ng pamilya nina Baterbonia, 19 at Adili, 21.

Sina Baterbonia at Adili ay nasawi sa pagkalunod matapos na tangayin ng malakas na alon sa Team Building ng Ateneo Blue Eagles sa isang pribadong beach resort sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.

Sinasabing walang suot na life vest ang naturang mga basketball players habang wala ring watch tower para sa mga lifeguard, walang warning sign ang resort na tinuluyan ng mga ito na ipina-padlock ng lokal na pamahalaan bunga ng insidente.

“Dalawang kabataang atleta ang namatay. Hindi ito simpleng aksidente na basta na lamang dapat kalimutan. Karapatan ng pamilya na malaman ang buong katotohanan at habulin ang pananagutan ng sinumang mapapatunayang may pagkukulang,” ani Ordanes.

ADMU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with