^

Bansa

Roldan, Wang swak sa iba pang KFR cases

-
Bukod sa kaso ng pagdukot kay Kenshi Yu ay sangkot din umano ang aktor at ex-congressman na si Dennis Roldan at girlfriend nitong si Suzette Wang sa iba pang kidnapping cases na hinihinalang ang mga biktima ay pawang mga naging kaklase o mga kamag-anak ng mga naging kaklase ni Wang.

Inihayag ng ilang miyembro ng Citizen’s Action Against Crime na humiling ng anonymity na si Wang ay maaaring sangkot din umano sa iba pang mga kidnapping cases katulad ng kaso ni Gordon Tan na kinidnap at dahil nanlaban ay napatay noong 1997.

Maaalalang libu-libong miyembro ng Chinese-Filipino community ang nagmartsa at ang mga eskwelahan at mga business establishments sa Binondo ay nagsara ng kalahating araw upang kondenahin ang nangyari kay Tan.

Si Gordon Tan katulad ng ina ni Kenshi na si Jennie Yu ay pawang mga naging kaklase ni Suzette. Sinabi ng mga impormante na may nasakote ang Presidential Anti Crime Commission noon na mga kidnapping suspects kaugnay sa kaso ni Tan at ang ikinanta ng mga ito bilang mastermind ay isang "Ma’am Suzette".

"Hindi nagkataon lamang na isang Suzette din ang mastermind sa pangingidnap kay Gordon Tan," wika ng CAAC members. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ACTION AGAINST CRIME

ANGIE

DENNIS ROLDAN

GORDON TAN

JENNIE YU

KENSHI YU

PRESIDENTIAL ANTI CRIME COMMISSION

SI GORDON TAN

SUZETTE WANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with