^

Bansa

Pope patay na

- Ni Ellen Fernando -
Hindi na nakayanan ng kanyang katawan at tuluyan nang pumanaw kahapon ng madaling-araw si Pope John Paul II matapos na maratay ng ilang araw sa Vatican City bunga ng kumplikasyon ng kanyang Urinary Tract Infection (UTI) at sakit na Parkinson’s disease.

Base sa report, bandang alas-3:37 ng madaling-araw (9:37 ng gabi, Sabado sa Rome) nang tumigil ang pagtibok ng puso ng Santo Papa sa edad na 84 sa Papal’s apartment nito.

Kamakalawa ay lumalala ang kondisyon ng Papa dahil na rin sa mabilis na pagbaba ng kanyang blood pressure, paghina ng tibok ng puso at pagkalason ng atay nito bunga ng kanyang UTI. Una na rin siyang inoperahan sa lalamunan.

Ibinurol ang Santo Papa sa St. Peter’s Basilica para sa 9-araw na pagluluksa pero posibleng ilibing ito sa Poland na siyang huling habilin at kahilingan nito.

Kahapon, patuloy na dinadagsa ng libu-libong debotong Katoliko mula sa iba’t ibang bansa ang Vatican upang makapiling sa huling sandali ang Santo Papa.

Bandang alas-4:30 ng hapon nang isagawa ang isang misa ng mga cardinals na dinaluhan ng libu-libong Katoliko sa St. Peter’s Square upang ipanalangin ang Santo Papa kasabay ng pag-aalay ng mga bulaklak, pagtitirik ng kandila at pag-awit dito.

Tinatayang may 1.2 bilyong miyembro ng Romano Katoliko sa buong mundo ang nagluksa sa pagyao ng Papa.

Pansamantala namang itinalagang kapalit ng Santo Papa si Cardinal Eduardo Martinez Somalo. Siya ang naatasang magpatawag ng pulong ng may 123 cardinals mula sa iba’t ibang panig ng mundo matapos ang libing ng Papa para sa gaganaping halalan ng kapalit ng Papa.

Nagpahatid kahapon si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng kanyang pakikiramay sa pagpanaw ng Santo Papa.

"Nagdadalamhati tayo kasama ng buong mundo sa pagyao ng mahal na Papa Juan Pablo Segundo. Matinding lungkot at kawalan ang dulot ng pagkamatay niya sa lahat. Ipinaglaban niya ang pamilyang Pilipino at ang mga saligang prinsipyong Kristiyano na nagsusulong sa ating lahat. Isa-isip araw-araw ang katarungan, kabutihan at kabanalan sa buhay," anang Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na malaking puwang ang damdamin ng daigdig sa pagkawala ng dakilang tulay-espirituwal sa lahat ng bansang naabot niya at pinagpala ng maamo niyang kamay.

"Nakikiisa tayo sa buong sangkatauhan sa pananalangin ngayong araw ng sanlibutang pagluluksa," dagdag ng Pangulo.

Ayon sa tagapagsalita ng Apostolic Nunciature (Holy See) sa Manila na isang special mass ang nakatakdang isagawa sa Miyerkules para sa Papa sa Manila Cathedral.

Una ring nagpahatid ng kanilang pakikidalamhati ang mga makapangyarihang opisyal sa buong mundo na sina US president George W. Bush, British Prime Minister Tony Blair, Britain’s Queen Elizabeth II, UN Sec. Gen. Kofi Annan, Australian Prime Minister John Howard, Cuba’s leader Fidel Castro, European Commission head Jose Manuel Barroso at iba pang mga lider ng iba’t ibang bansa. (May dagdag ulat ng AFP)

APOSTOLIC NUNCIATURE

ARAW

AUSTRALIAN PRIME MINISTER JOHN HOWARD

BRITISH PRIME MINISTER TONY BLAIR

CARDINAL EDUARDO MARTINEZ SOMALO

EUROPEAN COMMISSION

PANGULO

PAPA

SANTO PAPA

ST. PETER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with