^

Bansa

VAT 6% na lang

- Ni Malou Rongalerios -
Dahil sa patuloy na pag-angal ng mga mamamayan sa panukalang karagdagang 2% sa kasalukuyang ipinapataw na 10% Value Added Tax (VAT), pinag-aaralan ngayon ng House committee on ways and means na ibaba ang VAT ng mga produktong petrolyo kabilang na ang liquefied petroleum gas (LPG), kuryente at mga gawang pagkain sa 6%.

Ito ang ibinunyag kahapon ni Tarlac Rep. Jesli Lapus, chairman ng komite sa harap nang maling impormasyon na middle class ang tatamaan ng dagdag na VAT.

Posible aniyang gawin na lamang na 6% mula sa kasalukuyang 10% ang sisingiling VAT sa sardines, mackarel, tuna, tinapay at noodles.

Maaari rin aniyang ipatupad ng Kongreso ang mababang VAT para naman sa mga power generation at produktong petrolyo.

Ibinatay ang panukalang pababain sa 6% ang VAT sa ginawang pagtataya ng Department of Finance (DOF) na aabot lamang sa 2.6% para sa mga industrial user ng kuryente at 3.2% sa mga residential ang gastos sa kuryente kung 6% lamang ang sisingiling VAT sa halip na 12%.

Nauna rito, tiniyak ni Majority Leader Prospero Nograles at ilang mambabatas na hindi papayag ang Kamara na ipasa sa mahihirap at sa mga middle class ang bigat ng dagdag na singil ng buwis.

DAHIL

DEPARTMENT OF FINANCE

IBINATAY

JESLI LAPUS

MAJORITY LEADER PROSPERO NOGRALES

TARLAC REP

VALUE ADDED TAX

VAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with