^

Bansa

Mga kontrata ng Duty Free, iimbestigahan ng Kamara

-
Inihayag kahapon ni Parañaque Rep. Eduardo Zialcita na isasagawa na ng House committee on tourism at good government ang imbestigasyon hinggil sa umano’y monopolya ng negosyanteng si William Tieng sa mga kontrata ng Duty Free Philippines (DFP).

Iimbestigahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kontrata sa pagsu-supply ng alak, housewares, bed and bath, fashion, mga pabango, warehousing at logistics na pawang umano’y mga negotiated deals ng DFP.

Nangako si Zialcita, chairman ng House committee on housing and urban development, ng isang mabilis na imbestigasyon sa kabila ng "pressure tactics" ng mga maimpluwensiyang kaibigan ni Tieng.

Ayon sa mambabatas, magkukulang siya sa pagtupad sa kanyang tungkulin bilang solon sa Parañaque kung bibitawan niya ang kanyang krusada para sa isang lantad at kapaki-pakinabang na DFP, lalo’t ang headquarters nito at ang Fiesta Mall ay nakatayo sa kanyang distrito.

Pinayuhan rin ng mambabatas si Tieng na kung tutol siya sa supply contract sa tsokolateng ibinibigay sa Eastern Duty Free na may bendisyon ng Philippine Tourism Authority, dapat magsampa siya ng kaso imbes na gumawa ng mga kung anu-anong gimik.

Binanggit ni Zialcita ang mga ulat na si Tieng ang nasa likod ng rally sa harap ng Kongreso nitong Miyerkules.

Tahasang sinabi ni Zialcita na dapat umanong tigilan ni Tieng ang pressure at tactics at sumagot sa tamang forum.

Katawa-tawa umano na kinokontra ni Tieng ang kontrata sa tsokolate dahil hindi umano ito sumailalim sa public bidding, samantalang lahat ng kanyang mga kontrata umano’y wala ring bidding. (Ulat ni Malou Rongalerios)

DUTY FREE PHILIPPINES

EASTERN DUTY FREE

EDUARDO ZIALCITA

FIESTA MALL

KONGRESO

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU RONGALERIOS

TIENG

ZIALCITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with