^

Bansa

Sariling kaso dinesisyunan,hukom sinibak ng SC

-
Sinibak ng Supreme Court (SC) mula sa kanyang tungkulin ang isang hukom, matapos na desisyunan at magpalabas ito ng arrest warrant sa kanyang sariling kaso.

Sa 20-pahinang desisyon ng SC, sinabi nito na si Maasin, Southern Leyte Municipal Trial Court Judge Ramon Velasco ay guilty sa mga kasong grave misconduct, abuse of authority, oppression at gross ignorance of the law.

Batay sa rekord ng korte, nag-ugat ang kaso sa reklamo ni Peggy Louise D’Arcy vda. de Paler, isang non-resident American at asawa ni Abraham Paler, residente ng Maasin City.

Sa rekord, pinaalis na umano ni D’Arcy si Velasco sa gusali na pinatayo ni Paler upang gamitin sa tuwing uuwi ito sa Pilipinas, ngunit tumanggi naman si Velasco na umalis bagkus ay humingi muna ito ng extension upang makapanatili pa rin ito.

Nadiskubre din ni D’Arcy na noong April 2000 kinukuha umano ni Velasco ang bayad ng monthly rentals ng mga tenant sa nasabing gusali sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga ito ng liham na nagsasabing siya ang katiwala at awtorisadong tumanggap ng bayad ng mga umuupa dito.

At noong August 2000, nagpadala si Velasco kay D’Arcy ng liham na nagsasabing siya na ang mangangasiwa sa nasabing gusaling ipinatayo ni Paler.

Bunga nito’y nagsampa ng reklamo sa punong barangay ng Abgao ang kampo ni D’Arcy, ngunit laking gulat naman nito ng madiskubre na siya pala ang sinampahan ni Velasco ng kasong robbery sa chief of police.

Dahil dito, nagsumbong sa SC si D’Arcy at hiniling dito na disiplinahin si Velasco dahil na rin sa hindi nito pagtanggi na hawakan ang sariling kasong kinasasangkutan at pagpapalabas ng arrest warrant sa una.

Kasunod nito, sinibak si Velasco ng SC at hindi pinapayagan na pumasok sa ano mang tanggapan ng gobyerno. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

ABGAO

ABRAHAM PALER

ARCY

BATAY

BUNGA

MAASIN CITY

PEGGY LOUISE D

SOUTHERN LEYTE MUNICIPAL TRIAL COURT JUDGE RAMON VELASCO

SUPREME COURT

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with