^

Bansa

CPAs na makikipagsabwatan sa mga nandadaya ng buwis aalisan ng lisensiya

-
Desidido ang mga mambabatas sa papasok na 13th Congress na kasuhan at tanggalan ng lisensiya ang mga public accountants at auditors na makikipagsabwatan sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Sinabi ni Tarlac Rep. Jeslie Lapuz sa isang telephone interview na inihain na niya ang House bill 286 na magpapataw ng mabigat na parusa sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis at maging sa mga accountants na nakikipagsabwatan sa mga tax evaders.

Sinabi pa ni Lapuz na kung gaganda ang paniningil sa buwis at mahuhuli ang mga tax evaders ay hindi na kailangang magpataw ng karagdagang tax ang gobyerno na direktang makakaapekto sa mga mahihirap.

Dapat din aniyang ipasara ng gobyerno ang mga audit firms na nagiging daan sa pandaraya ng buwis. Aminado aniya ang ilang audit firms na kailangan nilang linisin ang kanilang hanay upang magtagumpay ang kampanya ng gobyerno laban sa mga tax evaders. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AMINADO

DAPAT

DESIDIDO

JESLIE LAPUZ

LAPUZ

MALOU RONGALERIOS

SINABI

TARLAC REP

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with