^

Bansa

Sibakan sa Gabinete nakaumang

-
Ipinahiwatig kahapon ni Deputy Presidential Spokesman Ricardo Saludo na ang pagtanggap ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo sa resignation ni Interior and Local Government Sec. Jose Lina ay hudyat ng pagtapyas sa mga hindi epektibong miyembro ng Gabinete.

Ayon kay Saludo,, marami pang inaasahang pagbabago na magaganap sa Gabinete matapos ang pag-alis ni Lina sa DILG kamakalawa.

Si Lina ay nagbitiw bilang pinuno ng DILG upang tutukan ang kanyang pamilya at pinalitan naman ito ni National Anti-Kidnapping Task Force chief Angelo Reyes bilang bagong Kalihim ng kagawaran.

"Definitely we are expecting changes in the Cabinet. There was just a change in the DILG but what we think will happen here is it will be staggered," ani Saludo.

Binigyang diin ni Saludo na ang hakbang ng Pangulo ay upang panatilihing ipatupad ang paunti-unting pagbabago at hindi ang kumpletong pagbalasa na siyang parating inaasahang mangyayari sa administrasyon.

Iginiit ni Saludo na mas gusto ng Pangulo na manatili ang nakararami na kasalukuyang miyembro ng Gabinete.

Partikular na binanggit ng Pangulo na gusto niyang manatili sa Gabinete ay si Trade Sec. Cesar Purisima.

Sinabi ng Pangulo na marami sa kanyang Gabinete ang nakikiisa sa kanyang mga bisyon kaya mas naninindigan ang Punong Ehekutibo sa pagpapatuloy ng kanilang panunungkulan matapos na magpakita ng kanilang magandang nagawa sa loob ng nakalipas na tatlong taon.

Idinagdag ni Saludo na ang lahat ng opisyal ng pamahalaan na ayaw nang ipagpatuloy pa ang kanilang serbisyo sa gobyerno ay mapapalitan maliban lamang kung nais pa ng Pangulo na manatili ang mga ito sa kanilang puwesto.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na ang Pangulo lamang ang nakakaalam kung ano ang magaganap sa kanyang Gabinete.

Sinabi ni Bunye na ang mga opisyal ng pamahalaan ay nagbibigay serbisyo sa kanilang buong kapasidad at nag-aatabay lamang ng instruksiyon ng Pangulo bilang mga public servants.

"The President issued a memorandum circular that even while we tendered our resignations, we will continue to serve while she has no decision yet," ani Bunye.

Lahat ng mga na-appoint na miyembro ng Gabinete ay inaasahang magsusumite ng kanilang courtesy resignations bago matapos ang termino ng Pangulo para sa paninimula ng bagong adminsitrasyon. (Ulat ni Marvin Sy)

vuukle comment

ANGELO REYES

BUNYE

CESAR PURISIMA

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESMAN RICARDO SALUDO

GABINETE

JOSE LINA

MARVIN SY

PANGULO

SALUDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with