^

Bansa

Galang imbestigahan- Limcaoco

-
Binigyang-diin ni Presidential Adviser on Media and Ecclesiastic Affairs Dodi Limcaoco na imbestigahan ang umano’y tinagurian niyang "opposition spy" na si Rudy Galang dahil sa pahayag ng huli na kinuha umano siya ng K-4 coalition upang magtrabaho sa Mindanao at masiguro ang 2 milyong boto para kay Pangulong Arroyo noong May 10 elections.

"Si Rudy Galang ay hindi empleyado o operator ng K-4 at hindi ko kailanman binasbasan na gawin ang kanyang sinasabing kanyang ginawa noong nakaraang eleksiyon," ani Limcaoco.

Sinabi ni Limcaoco na masyado ng desperado ang oposisyon at pati ang kuwentong kutsero ni Galang na anya’y isang perennial loser sa congressional election sa unang distrito ng Laguna ay kanilang ginagamit. "Bakit ipapaubaya ng K-4 ang pangangampanya sa Mindanao gayong hindi niya maipanalo ang kanyang sarili, pagtitiwalaan pa namin siya?" wika ni Undersecretary Nolan Sison, assistant ni Limcaoco.

"Si Galang ay nag-volunteer lamang na tutulong sa kampanya pero ito ay hindi empleyado o operator ng K-4 at anuman ang kanyang ginawa, lalo na ang illegal na operation, ay walang blessing ng K-4," dugtong niya.

Kung mayroon anya siyang complaint, kailangang iharap niya ito sa tamang ahensiya.

LIMCAOCO

MEDIA AND ECCLESIASTIC AFFAIRS DODI LIMCAOCO

MINDANAO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL ADVISER

RUDY GALANG

SI GALANG

SI RUDY GALANG

UNDERSECRETARY NOLAN SISON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with