^

Bansa

Mga abogado ni FPJ nag-walkout

-
Napilitang mag-walkout kahapon ang mga abogado ni Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) Fernando Poe, Jr. sa isinasagawang canvassing sa Kongreso matapos nilang iprotesta ang umano’y harassment na ginagawa sa kanila ng administrasyon.

Sinorpresa ni Atty. Sixto Brillantes, isa sa mga abogado ni FPJ, ang mga miyembro ng 22-man joint canvassing commitee nang ihayag nito ang kanilang withdrawal sa isinagawang canvassing upang iprotesta ang kasong kidnapping na inihain noong Huwebes laban sa kanyang dalawang kasamahan.

Ayon kay Brillantes, kinasuhan ng kidnapping sa DOJ sina Attys. Hariett Demetriou at Rufus Rodriguez dahil sa umano’y pagkidnap sa isang election officer na magpapatunay umano ng malawakang pandaraya ng Arroyo government.

Ang National Bureau of Investigation (NBI) aniya ang naghain ng kaso pero ayon sa balita ito ay inihain ng PNP.

Ayon naman ay Atty. Romy Macalintal, abogado ni Pangulong Arroyo, ‘over acting’ ang naging reaksiyon ng mga abogado ni FPJ sa kaso dahil wala pa naman silang warrant of arrest.

Idinagdag nito na magpapatuloy pa rin ang canvassing kahit wala ang mga abogado ni FPJ.

Inamin naman ni Brillantes na natatakot na ang iba pang abogado na kumakatawan kina FPJ at vice presidential bet Loren Legarda.Posible aniyang sila naman ang isunod at kasuhan ng rebelyon.

Didiretso anya sila sa kanilang kliyenteng si FPJ at depende na dito kung papalitan sila bilang mga kinatawan nito sa bilangan.

Ipinakita naman ni Rodriguez sa mga reporter ang kopya ng charge sheet at sinabi nitong hindi niya kilala ang sinasabing election officer ng Basilan na kinidnap nila. (Ulat nina MRongalerios/RAndal)

ANG NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

AYON

BRILLANTES

FERNANDO POE

HARIETT DEMETRIOU

LOREN LEGARDA

NAGKAKAISANG PILIPINO

PANGULONG ARROYO

ROMY MACALINTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with