^

Bansa

2 NPA kumander na lilikida kay FPJ tinukoy

-
Tinukoy na kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang dalawa sa mga lider ng New People’s Army (NPA) na naririto sa Metro Manila upang isakatuparan ang paglikida umano kay Fernando Poe, Jr.

Kinilala ni PNP Directorate for Intelligence P/Director Robert Delfin ang nasabing mga commander na sina Leo Velasco at Prudencio Kalubid, pawang pinuno ng Special Operations ng Military Staff ng NPA.

Si Velasco ay dating pinuno ng Regional Party Committee ng NPA sa Region 2 Command habang si Kalubid naman ay dating secretary ng Regional Party ng NPA sa Region 8.

Sinabi ni Delfin na kasama ngayon ng dalawang opisyal ang kanilang tatlo hanggang apat na miyembro ng NPA liquidation squad upang ikasa ang balaking pagpatay sa mga prominenteng personahe sa pulitika.

Nangunguna sa assassination plot si FPJ habang hindi rin naman inialis ang posibilidad na maliban kay Da King ay target ring ilikida ng grupo si Pangulong Arroyo at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Kasama rin sa planong paglikida kay FPJ ay upang palitawin ng makakaliwang grupo na palubhain ang senaryo sa bansa.

Binigyang diin ng opisyal na sadyang may kakayahan sina Velasco at Kalubid na maisakatuparan ang pagpatay laban kina FPJ, GMA at iba pa dahilan na rin sa naging partisipasyon nito sa pagtumba sa ilang mga kilalang personalidad tulad ni dating Cagayan Congressman Rodolfo Aguinaldo. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CAGAYAN CONGRESSMAN RODOLFO AGUINALDO

DA KING

DIRECTOR ROBERT DELFIN

FERNANDO POE

INTELLIGENCE P

JOY CANTOS

KALUBID

LEO VELASCO

METRO MANILA

MILITARY STAFF

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with