Erap bantay-sarado sa joint celebration ni Loi at Jinggoy
June 6, 2004 | 12:00am
Inaasahang daragsa ngayon ang mga kamag-anak, kaibigan at supporters ni dating Pangulong Joseph Estrada sa resthouse nito sa Tanay, Rizal matapos pagbigyan kamakalawa ng Sandiganbayan ang kahilingan ni Erap na makalabas ng Camp Capinpin at makapunta sa kanyang resthouse para makalahok sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang asawang si Sen. Loi Estrada at victory party ng anak na si Jinggoy.
Hindi bababa sa 30 pulis ang magsisilbing close-in security ni Erap at isang platoon ng sundalo na ikakalat sa outside perimeter ng resthouse.
Sa kanilang mosyon sa anti-graft court, ipinahayag ni Estrada na double celebration ang kanilang gagawin dahilan sa ipinagdiriwang din nila ang pagkapanalo ng kanilang anak na si Jinggoy sa pagka-senador.
Sa tatlong pahinang resolusyon ng Special Division ng Sandiganbayan, pinahintulutan si Estrada na makaalis sa Camp Capinpin bandang alas-8 ng umaga ngayon pero kinakailangan siyang lumisan sa kanyang resthouse at muling bumalik sa Camp Capinpin pagsapit ng alas-8 ng gabi.
Nakadetine sa nasabing kampo ang dating Pangulo habang dinidinig ang kasong plunder na isinampa laban sa kanya.
Bagamat kinuwestiyon ng prosekusyon ang anila ay "one-sentence" motion ni Estrada, hindi naman nila tinutulan ang kahilingan nito na makasama sa pagdiriwang sa dalawang mahahalagang okasyon ng kaniyang mga mahal sa buhay.
Ayon kay Special Prosecutor Dennis Villaignacio, tutal ay tunay na pamilya naman niya ang kaniyang makakasama ngayong araw na ito kayat hindi na sila tumutol sa kahilingan ng dating Pangulo.
Hindi naman pinayagang makapagdala ng anumang communications gadget si Erap at bawal din magpa-interview sa media. (Ulat ni Anna Sanchez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended