^

Bansa

Seguridad sa balik-eskwela tiniyak

-
Itinalaga ni PNP Chief Hermogenes Ebdane ang may 115,000 miyembro ng pulisya sa buong bansa upang maglaan ng seguridad sa pagbubukas ng klase bukas.

Inatasan ni Ebdane si PNP Director for Operations Director Avelino Razon Jr. na mag-isyu ng memorandum sa 17 PNP regional offices upang ipatupad ang nationwide "heightened alert" para sa simula ng klase sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Sinabi ni Razon na ang hakbang ay layuning matiyak ang operational readiness ng kapulisan sa pagresponde sa peace and order concerns kasama na ang banta ng mga criminal elements na nais manamantala sa pagsisimula ng pasukan ng mga mag-aaral.

Noong nakaraang buwan pa ay nagkaroon na ng koordinasyon ang PNP sa mga opisyales ng Department of Education at Commission on Higher Education para sa seguridad ng mga mag-aaral.

Sa Metro Manila, may 16,000 pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) mula sa limang police district dito ang itatalaga sa mga strategic areas malapit sa mga paaralan katulong ang mga tauhan ng MMDA.

Ganito din ang pagbabantay na gagawin ng pulisya sa seaports, airports at land transport terminals para naman sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero mula sa mga probinsiya. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

CHIEF HERMOGENES EBDANE

CRUZ

DEPARTMENT OF EDUCATION

EBDANE

HIGHER EDUCATION

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

OPERATIONS DIRECTOR AVELINO RAZON JR.

SA METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with