^

Bansa

Oposisyon humihirit uli, 22-man panel gawing 25

-
Tinutulan kahapon ni Senate Majority Leader Francis Pangilinan ang panibagong hirit ng oposisyon na gawing 25 ang magiging miyembro ng tabulation committee sa halip na 22.

Sinabi ni Sen. Pangilinan, inaprubahan na ng dalawang kapulungan ang rules sa pagbuo ng 22-man na miyembro ng komite na tatayong National Board of Canvassers kaya ang panibagong hirit na ito ng oposisyon na dapat ay maging 25 ang miyembro ay dapat ginawa nila sa 5 araw na debatehan ng Kongreso.

"We have already approved the rules of canvass and this should have been raised by the opposition during the debates and not at this late stage," wika pa ni Pangilinan.

Aniya, ang panibagong hinihirit ng oposisyon ay maliwanag na magpapahaba lamang ng debate at mangangahulugan na muling mababalam ang isasagawang actual counting ng binuong 22-man committee na miyembro ng NBoC. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

KONGRESO

MIYEMBRO

NATIONAL BOARD OF CANVASSERS

PANGILINAN

RUDY ANDAL

SENATE MAJORITY LEADER FRANCIS PANGILINAN

SINABI

TINUTULAN

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with