^

Bansa

'Huwag kaming takutin!' - KNP

-
Hindi patatakot at handang ipaglaban ng kampo ni Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) standard bearer Fernando Poe, Jr. ang karapatan nilang bantayan ang canvassing sa Kongreso upang hadlangan ang inaakusang "pandaraya" ng administrasyon.

Ang pahayag ng KNP ay kasunod ng alegasyon ng administrasyon na ang mga talunan sa eleksiyon ay "desperado" na at handang maghasik ng kaguluhan o destabilisasyon. Nagbabala pa ang Malacañang sa publiko na huwag pagamit na instrumento sa mga "talunan at desperado" na balak isulong ang "no proclamation scenario."

Kinondena rin ng KNP ang ginawang pagbuwag sa vigil rally ng mga FPJ supporters sa Commonwealth Avenue malapit sa Batasang Pambansa kaugnay ng pagsisimula ng canvassing ng mga balota.

"Tinatakot nila ang taumbayan para huwag magprotesta kahit may pandaraya sa bilangan," ani Rep. Francis Escudero na nagsabing ang pangyayari’y isang "plain and simple political harrassment."

Mahigpit ding pinabulaanan ni Escudero ang paratang ng pamahalaan na ang oposisyon ay nasa likod ng planong destabilization laban sa administrasyong Arroyo. "Gawa-gawa lang nila iyan para busalan ang katotohanan na si FPJ ang nanalo sa eleksyon," ani Escudero sa isang panayam.

Iginigiit ng KNP na batay sa sarili nilang pagbibilang, si Poe ay lumamang sa Pangulo ng may 600,000 boto taliwas sa sinasabi ng administrasyon na si Mrs. Arroyo ang lamang.

Ayon naman kay Makati City Mayor Jojo Binay, ang paratang na destabilisasyon ay katha ng Malacañang upang palabasing manggugulo ang oposisyon. Idinagdag ni Binay na kung walang nangyaring pangungupit ng boto, milyun-milyon ang magiging kalamangan ni Poe kay Mrs. Arroyo.

Pinabulaanan naman ng Palasyo ang paratang na "political harrassment" sa pagkakabuwag ng vigil rally dahil pati umano ang mga grupong sumusuporta kay Arroyo ay pinaalis ng mga awtoridad dahil walang permiso. (Ulat nina Malou Rongalerios at Rudy Andal)

BATASANG PAMBANSA

COMMONWEALTH AVENUE

FERNANDO POE

FRANCIS ESCUDERO

MAKATI CITY MAYOR JOJO BINAY

MALACA

MALOU RONGALERIOS

MRS. ARROYO

NAGKAKAISANG PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with