^

Bansa

Kabayan ginigiba sa internet

-
Tatlo pang E-mail letters sa internet ang kasalukuyang lumalaganap upang sirain si Sen. Noli de Castro na tumatakbo bilang vice president ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon sa mga nilalaman ng nasabing e-mails, inakusahan si Kabayan ng kasamahan mismo nito sa K4 coalition na isang uri ng produkto na nasa "early stage of decomposition".

Naging simple ang ginawang banat ng letter at ginamit nitong basehan ang mga demanda laban sa senador at umano’y pangongotong para magsilbing convincing factor upang masira si Kabayan.

Sinasaad sa tatlong liham ang nagkakaisang pahayag ng ilan sa K4 senatorial bets na ang mga paninira kay Kabayan ay maaaring makaapekto rin sa kandidatura ni Pangulong Arroyo.

Nakasama rin sa e-mail ang pinakahuling banat kay Kabayan na kung saan isang 13-anyos na batang lalaki, si Peter Barcelona na putol ang dalawang kamay at dalawang paa ang lumutang at nagtatanong kung nasaan ang ibang bahagi ng salaping inilikom sa kanya ni Kabayan sa pamamagitan ng programang MGB para gamitin sa kanyang edukasyon. Pinatunayan sa liham na P5,000 lamang ang naibigay sa bata na inireport sa MGB na magiging scholar.

Ayon pa sa mga K4 senatoriable, sa loob ng 3 taon na si Kabayan ay senador, tumanggap na siya ng kulang-kulang P1 bilyon na pork barrel, suweldo, allowances at iba pang benepisyo, ngunit wala anya itong maipakitang kapalit na serbisyo sa publiko bilang pasasalamat sa karangyaan na dulot ng tiwala ng bayan sa kanya.

Una nang sinabi ni Kabayan na isang PR group ang nag-o-operate at nagbayad ng milyong piso para sa demolition job laban sa kanya. (Ellen Fernando)

AYON

ELLEN FERNANDO

KABAYAN

NAKASAMA

NOLI

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PETER BARCELONA

PINATUNAYAN

SINASAAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with