^

Bansa

Survey ratings ni Pangulong Marcos steady lang, Vice President Sara bumaba muli

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Survey ratings ni Pangulong Marcos steady lang, Vice President Sara bumaba muli
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and Vice President Sara Duterte on January 25, 2024.
STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Napanatili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mataas na approval at trust rating, habang sumasadsad naman ang approval at trust ni Vice President Sara Duterte.

Ito ay base sa pinakahu­ling survey ng PUBLiCUS Asia Inc. kung saan sa PAHAYAG Second Quarter 2024 o PQ2-2024, nanatiling malakas ang overall performance rating ng Marcos administration sa 51%.

Napanatili naman ni Pangulong Marcos ang kanyang approval rating na 44% at trust rating na 33%, habang ang kanyang approval sa North Central Luzon (NCL) na itinuring nitong balwarte ay bumaba sa 49% mula sa 52% noong Q1.

Malaki naman ang ibina­ba ng rating ni VP Duterte, mula sa 53% noong Q1, bumaba sa 46% ang approval nito at bumagsak din ang trust ng limang puntos mula sa 46% ay naging 41%.

Malaki rin rin ang ibina­ba ng approval rating ng Bise Presidente sa balwarte ni Marcos sa NCL, mula sa 47% ay naging 38% at maging sa balwarte niya sa Mindanao ay malaki rin ang ibinaba ng approval ratings ni Duterte na mula sa 75% ay naging 68%.

Gayundin ang trust ra­tings ni Duterte ay bagsak din, na mula sa 67% ay naging 65%.

Sa isinagawa namang survey noong Hunyo 15-19, 2024, bago pa magbitiw sa gabinete,si Duterte ang may pinakamataas na approval at trust rating sa mga opisyal ng gobyerno.

Simula naman nang maging Senate President si Sen. Francis Escudero ay bumagsak ang rating nito na mula sa 58% ay naging 47% sa Q2 ang approval rating at mula sa 45% ay naging 37% ang trust rating niya.

Samantala bahagyang umakyat ang rating nina House Speaker Ferdinand Martin Romuldez at Chief Justice Alexander Gesmundo.

vuukle comment

SURVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with