^

Bansa

Pahayag ni Duterte sa pinagtataguan ni Quiboloy pinag-aaralan ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pahayag ni Duterte sa pinagtataguan ni Quiboloy pinag-aaralan ng PNP
Former president Rodrigo Duterte together with longtime friend and supporter Apollo Quiboloy.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Philippine National Police (PNP) ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na alam niya ang pinagtataguan ni Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief at spokesperson Col. Jean Fajardo, aalamin muna nila ang sinabi ni Duterte kaya tumanggi itong ibunyag ang kinaroroonan ni Quiboloy.

Ani Fajardo, maituturing na obstruction of justice ang ginagawa ng dating Pangulo sakaling may nalalaman nga ito sa pinagtataguan ng wanted na si Quiboloy. Maaaring mapanagot ang dating Pangulong Duterte dito.

Matatandaan na sinabi ng dating pangulong Duterte na alam niya kung nasaan si Quiboloy subalit nang tanungin kung nasaan, “secret” lamang ang sinagot nito.

Sinabi ni Fajardo na pinag-aaralan na ng mga abogado ng PNP ang pahayag ng dating Pangulo kung saan nagsasagawa na rin sila ng pagkikipag-ugnayan sa ilang mga indibiduwal na nakausap nito.

“Yung simpleng video lamang po ay this will constitute hearsay lang. Kailangan natin makausap siya. Kung sino ‘yung mga kausap niya during that time, ito ba ay sinabi niya parang just to tease ‘yung mga kaharap niya or its just a joke lang po?,” ani Fajardo.

Patuloy pa rin ang apela ng PNP kay Quiboloy na lumantad na lamang at harapin ang kaso.

Tinitiyak naman ng PNP ang sapat na seguridad kay Quiboloy at sa iba pang sangkot.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with