^

Bansa

Inflation, bahagyang bumagal sa 3.7 percent noong Hunyo – PSA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumagal sa 3.7 percent ang inflation o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong nagdaang buwan ng Hunyo ngayong taon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mababa ito kumpara sa 3.9% na headline inflation rate sa bansa noong Mayo ngayong taon.

May katumbas itong 3.5% na average inflation mula Enero hanggang Hunyo.

Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, pangunahing dahilan ng pagbagal ng inflation ay ang mas mabagal na taas presyo ng kuryente at pati na ng gasolina.

Nakaambag din ang mas mabagal na inflation sa restaurant at accommodation services.

Sa mga pangkat ng pagkain, mas mabilis ang inflation sa luya at kalabasa habang bumagal naman ang inflation sa bigas, harina at gatas.

Kaugnay nito, buma­gal din sa 2.3% ang inflation rate sa Metro Manila kumpara sa 3.1% na naitala noong Mayo.

Sa labas naman ng NCR, naitala sa BARMM ang pinakamataas na inflation habang sa Region 1 naman ang pinakamababang inflation.

vuukle comment

INFLATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with