^

Bansa

Pangulong Marcos idudulog sa ASEAN lumalalang sitwasyon sa West Philippine Sea

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Idudulog ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ASEAN Summit ang lumalalang sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS).

Sa pre-departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Daniel Espiritu na nakalatag sa mga aktibidad ng pangulo para sa 44th at 45th ASEAN Summits at ASEAN Related Summit ang pag-uulat ni Marocs sa pinakabagong development sa South China Sea.

Kumpiyansa rin si Espiritu na kaisa  ng Pilipinas ang ASEAN leaders sa pagresolba sa mga sigalot na naaayon sa international law. Habang hindi naman makakadalo sa nasabing pagpupulong si Chinese President Xi Jin Ping.

Kung dati ay barko lamang ng Pilipinas ng bansa ang tinatarget ng China ngayon ay maging ang air asset na rin ng bansa ay kanilang pinupuntirya.

Ayon pa kay Espiritu, magkakaroon din ng bilateral meetings si Pangulong Marcos sa mga lider ng iba’t ibang bansa kabilang dito ang Canada, New Zealand, Vietnam at Japan sa sidelines ng Summit.

Ito rin ang unang pagkakataon na makikipagpulong si Marcos kay Japan Prime Minister Shigeru Ishiba kung saan inaasahang pag-uusapan nila ang tungkol sa trade and investment at defense relations.

Ang 44th at 45th ASEAN Summit at Related Summits ay gaganapin sa Vientiane, Lao sa Oktubre 8 hanggang 11.

vuukle comment

ASEAN

DFA

WPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with