^

Bansa

‘Books on Wheels’ sa Quezon City barangays, pinuri

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “Some of the best practices in governance can be found in the grassroots, in our barangays.”

Ayon ito kay Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino na pinuri ang ‘Books on Wheels’ project ng Barangay San Isidro sa Galas, Quezon City na nagtuturo sa mga bata ng mga pangunahing kaalaman at kasiyahan sa pagbabasa.

Sa panayam sa radio program ng senador na ‘Morning Chill’ sa DWAN 1206 AM, ibinahagi ni Leonor Alfonso, konsehal ng Barangay San Isidro, na ang literacy project ay inilunsad ng barangay noong Enero ng taong ito.

“Marami pong kabataan na kahit nag-aaral ay hindi pa rin nakapagbabasa. Kaya nakipag-collaborate po kami sa Quezon City public library. Nagtuturo po kami sa iba’t ibang lugar sa aming barangay,” idinagdag niya.

Dahil sa inspirasyon ng proyekto, nangako si Tolentino na tutulungan ang barangay na magtayo ng isang e-library upang madagdagan ang pangangailangan sa pag-aaral ng mga estudyante sa kanilang komunidad. Mainit na tinanggap ni Barangay chair John Reyno ang panukala ng senador.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with