^

Bansa

Umento sa ayuda sa 4Ps pinag-aaralan na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakikipagpulong na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa National Economic and Development Authority (NEDA) para sa posibleng pagkakaroon ng mas mataas na halaga ng cash grant na ibinibigay sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps)

Ayon kay DSWD Asst. Secretary JC Marquez, tagapagsalita ng DSWD na pinaplantsa pa nila kung ilang porsyento ang maaa­ring itaas sa natatanggap na ayuda ng 4Ps beneficiaries.

Kung sakali namang maaprubahan ito, maaa­ring anyang sa susunod na taon pa maisama ang umento sa ayuda.

Kaugnay nito, kasama rin sa pinag-aaralan ng DSWD ang mekanismo para maging otomatiko na ang adjustment ng cash grant sa 4Ps laluna kung mataas ang inflation o pres­yo ng bilihin at serbisyo.

Ang hakbang ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pag-aralan ang mga paraan partikular na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na tumugon sa epekto ng inflation sa mahihirap na Pilipino.

May higit P700 hala­ga kada buwan ang tinatanggap ng isang benepisyaryo ng 4PS.

vuukle comment

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with