^

Bansa

Mayor Baste pagpapaliwanagin ng DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Habang binabaha ang Davao City noong Linggo, nasa Tacloban City naman umano si Davao Mayor Sebastian Duterte para raw mangampanya.

Bunsod nito ay plano ng Department of Interior and Local Government (DILG) na pagpapaliwanagin si “Baste” kung bakit wala ito sa kanyang nasasakupan o pwesto habang binabaha ang kanyang mga kababayan.

Ayon sa DILG, nakasaad sa Local Government Code na ang local chief executive ay dapat nasa kanyang area of responsibility para matiyak ang kaligtasan ng kanyang mga constituents sa panahon mg kalamidad.

Isang malakas na flash flood ang tumama sa Toril, Davao City matapos ang ilang araw na pag-ulan sa lugar.

Kita naman sa ilang larawan at video na ipinost ng mga taga-Tacloban City ang mag-amang Rodrigo at Baste Duterte sa itaas ng entablado na tila nangangampanya na.

Kamakailan sinabi ni Vice President Sara Duterte na tatakbo ang kanyang ama at dalawang kapatid sa senado sa 2025 midterm election.

Wala pa namang reaksyon si Mayor Duterte hinggil sa pagtungo niya sa Leyte habang binabaha ang Davao City.

vuukle comment

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with