^

Bansa

Phil. Stock Exchange pinuri ng United Filipino Seafarers

-
Pinuri kahapon ni United Filipino Seafarers (UFS) President Nelson Ramirez ang Philippine Stock Exchange (PSE) sa pagsuspinde nito sa Negros Navigation Company (Nenaco) sa pagbebenta nito ng kanilang mga shares of stock.

Kapuri-puri ang naging desisyon ng PSE at mga taong nagsabi ng katotohanan sa tunay na sitwasyon ng Nenaco. Dahil alam na ng publiko ang kalagayan ngayon ng nasabing kumpanya kung kaya maiiwasan na ang mas malaki pang problema hindi lamang sa mga pinagkakautangan nito at mga pasahero," ani Ramirez.

Nagtataka si Ramirez kung bakit nagpalabas ang Nenaco noong unang linggo nitong Marso na kumita ang kanilang kumpanya ng P84 milyon habang P102 milyon naman noong 2002 gayung lubog naman umano ito sa utang na umaabot sa P2.5 bilyon.

Hinihinala ni Ramirez na may ibang motibo at agenda ang Nenaco kaya nagpahayag ito na sila ay kumikita sa kabila ng katotohanan na bagsak na umano ang nasabing kumpanya. (Ulat ni Ellen Fernando)

DAHIL

ELLEN FERNANDO

HINIHINALA

KAPURI

NEGROS NAVIGATION COMPANY

NENACO

PHILIPPINE STOCK EXCHANGE

PRESIDENT NELSON RAMIREZ

RAMIREZ

UNITED FILIPINO SEAFARERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with