^

Bansa

Pagtaas ng matrikula ipagpaliban - Gordon

-
Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at ang napipintong pagtaas sa singil sa pasahe, nanawagan si senatorial candidate Dick Gordon na ipagpaliban ng mga paaralan ang pagtaas sa matrikula.

Ipinaliwanag ni Gordon na ang patuloy na pagtaas ng matrikula sa pribado’t pampublikong paaralan ay maaring makaapekto sa kalidad ng workforce at pagsulong ng ekonomiya ng Pilipinas.

Si Gordon, na patuloy na rumaratsada sa mga mock elections ng iba’t ibang unibersidad sa buong bansa, ay nagsabing gagawa siya ng mga hakbang sa Senado di lamang upang ipagpaliban ang pagtaas sa matrikula kung hindi pati na rin ang mga financial concerns ng mga paaralan nang hindi naman ito tuluyang malugi. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

DAHIL

DICK GORDON

ELLEN FERNANDO

GORDON

IPINALIWANAG

PILIPINAS

SENADO

SI GORDON

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with