^

Bansa

Desisyon kay FPJ maaaring mabago

-
Maaari pa ring makatikim ng talo ang aktor na si Fernando Poe, Jr. sa kabila ng naging desisyon noong Miyerkules ng Supreme Court (SC) na kuwalipikado si FPJ para tumakbo sa pampanguluhang halalan dahil isa itong natural-born Filipino.

Ito ang binigyang diin kahapon ni Atty. Ismael Khan, Public Information Office (PIO) chief ng SC kung saan ay kanyang isiniwalat na sa nakalipas na mga desisyon ng SC en banc ay nababaligtad ito sa pamamagitan ng paghahain ng motion for reconsideration (MR) ng mga petitioner.

Binanggit ni Khan ang ilang nakalipas na desisyon ng SC en banc kung saan ay sila mismo ang nagbago ng kanilang isipan at desisyon mula sa kanilang orihinal na hatol.

Kabilang sa mga landmark cases na binaligtad ng Korte Suprema pagdating sa MR ay ang Kuratong Baleleng case ni Sen. Panfilo Lacson, ang Oil Deregulation Law ni Bataan Rep. Enrique Garcia at ang extradition case ni dating Manila Rep. Mark Jimenez.

Binigyang diin ni Atty. Khan na puwede pa ring magbago ang takbo ng botohan dahil hindi nakaboto si Associate Justice Artemio Panganiban dahil siya ay nasa South America.

Nilinaw ni Atty. Khan na hindi nakapagpadala ng kanyang boto si Panganiban dahil hindi siya makontak ng isagawa ang botohan.

Madikit umano ang botohan sa ilalim ng botong 8-5-1 kaya may tiyansa pa ring mawala kay FPJ ang bendisyon ng Korte. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE ARTEMIO PANGANIBAN

BATAAN REP

ENRIQUE GARCIA

FERNANDO POE

ISMAEL KHAN

KORTE SUPREMA

KURATONG BALELENG

MANILA REP

MARK JIMENEZ

OIL DEREGULATION LAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with