^

Bansa

Mr. Palengke hataw rin sa senatorial survey

-
Umarangkada si K-4 senatorial candidate Mar "Mr. Palengke" Roxas sa pinakahuling survey ng Ibon Data Bank and Research Center.

Nanguna si Roxas sa isinagawang survey ng Ibon foundation sa mga tumatakbong senador para sa pambansang halalan sa Mayo 10, 2004.

Si Roxas ay nakakuha ng 30.2%, kasunod niya sina Sen. Aquilino Pimentel, Jr. at Ramon "Bong" Revilla , Jr. na parehong nakakuha ng 27.45%; pangatlo si Miriam Defensor-Santiago, 25.48%; Juan Ponce Enrile, 24.64%; Sen. Robert Barbers, 22.43%; Alfredo Lim, 21.67%; Sen. Rodolfo Biazon, 21.14%; Jinggoy Estrada, 18.56%; Lito Lapid, 18.25% at pang-10 si Francisco Tatad, 17.41%.

Ang Ibon ay isang foundation na hindi pinagkakakitaan ang inilalabas na survey at gumagamit lamang ng mga volunteers.

Ang pangunguna ni Roxas sa survey, ayon sa mga supporters nito ay dahil na rin sa magaganda nitong plataporma partikular na ang pagtataguyod ng mga mahihirap.

Kasabay nito, pinagkaguluhan ng mga vendor si Roxas sa pagbisita nito sa Bicutan market. Dito ipinaliwanag ni Roxas ang kanyang "Palengkenomics" o mga programa partikular na ang pagsusulong ng kabuhayan ng mga vendor at mahihirap.

Ayon kay Manay Fe Pacleb, vendor-leader ng Bangkal Vendors Association, susuportahan at iboboto nila si Roxas dahil na rin sa mga programa at pagmamalasakit nito para sa mga mahihirap. (Ulat ni Lilia Tolentino)

ALFREDO LIM

ANG IBON

AQUILINO PIMENTEL

BANGKAL VENDORS ASSOCIATION

FRANCISCO TATAD

IBON DATA BANK AND RESEARCH CENTER

JINGGOY ESTRADA

JUAN PONCE ENRILE

LILIA TOLENTINO

ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with