^

Bansa

RP no. 1 na sa Hepa

-
Nangunguna na ang Pilipinas sa buong Asya sa sakit na Hepatitis A, samantalang mahigit 500,000 Pinoy naman ang may chronic Hepatitis B.

Base sa pinakahuling ulat ng World Health Organization (WHO), mahigit 300 milyon katao sa buong mundo ang nagtataglay ng sakit na Hepatitis B at 11 porsiyento nito ay mga Pinoy.

Nabatid rin na ang kakulangan sa "good hygiene" at "good sanitation" sa bansa ang sinasabing mga dahilan kung bakit nangunguna ang Pilipinas sa sakit na Hepatitis A.

Inihayag ni Dr. Maximo Axibal Jr., dalubhasa sa naturang sakit sa pagpupulong na ginanap sa Manila Hotel na pinangunahan ng INSAM Corp., ang exclusive distributor ng Cheong-Kwan-Jang Korean Red Ginseng, na ang sakit na Hepatitis B ay pang-lima sa mga dahilan ng pagkasawi ng mga tao sa buong mundo at 100 beses na mas nakakahawa ito kesa sa sakit na AIDS.

Ayon pa kay Dr. Axibal Jr. na kalimitan umano ay hindi kaagad-agad nalalaman o mapapansin ng isang tao na nagtataglay na siya ng Hepa B at ito ang malimit na dahilan ng pagkakaroon ng cirrhosis at liver cancer.

Ang Hepatitis o pamamaga ng atay ay may limang klase na kinabibilangan ng A na nakukuha sa kontaminado o maruruming pagkain; B, nakukuha sa secretion gaya ng pawis, laway o likido na nagmumula sa taong nagtataglay ng naturang sakit na hahawa sa taong madampian nito lalo na yaong may mga sugat; C, kalimitang nakukuha sa pagsasalin ng dugo mula sa taong nagtataglay nito o tinatawag na blood transfusions o sa pamamagitan ng dialysis, homosexual activities, needle stick accident at vertical transmission na ang ibig sabihin ay hawa ng isang buntis na ina sa dinadala nitong sanggol sa kanyang sinapupunan.

Ang mga sanggol na nahawahan ng Hepa C mula sa kanilang ina mula ng iluwal ay magkakaroon ng cancer pagsapit nito ng 20-anyos.

Bukod sa A, B, C ay may dalawa pang uri ng Hepatitis na kinabibilangan ng D at E, bagamat sa lahat ng uri ng Hepa, napag-alaman na mas may pag-asa pang magamot ang Hepa A kumpara sa B, C, D at E.

Pinapayuhan naman ang mga residente na iwasan ang kumain ng mga lutong pagkain na nabibili sa mga bangketa, talaba, tahong at iba pang mga pagkain na madaling kapitan ng virus na siyang magdudulot ng Hepa A.

Ayon pa kay Dr. Axibal Jr. na ang virus ay hindi namamatay sa init at alcohol. Ang taong mapapasukan ng virus na nagdudulot ng Hepatitis ay kinakailangang pasiglahin at pagtibayin ang kanyang immune system sa katawan upang mamatay ang naturang virus.

Nabatid rin sa mga dalubhasa na isa sa pangunahin at malakas magpasigla ng immune system sa katawan ay ang pag-inom ng Korean Red Ginseng. (Ulat ni Rose Tamayo)

ANG HEPATITIS

AYON

CHEONG-KWAN-JANG KOREAN RED GINSENG

DR. AXIBAL JR.

DR. MAXIMO AXIBAL JR.

HEPA A

HEPATITIS

HEPATITIS A

HEPATITIS B

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with