Interes sa credit cards iimbestigahan
November 23, 2003 | 12:00am
Dahil sa dumaraming reklamo ng mga consumer kaugnay sa ipinapataw na interes ng ibat ibang kompanya ng mga credit cards, hiniling kahapon ng ilang mambabatas na imbestigahan ito.
Sinuportahan ni CIBAC Party List Rep. Kim Bernardo-Lokin ang panukala ni BUHAY Party List Rep. Rene Velarde na tingnan ang ipinapatong na interes ng mga major lending banks sa mga card holders.
Sinabi ng dalawang solon na dapat siguruhin ng House committee on banks and financial institutions na nabibigyan ng proteksiyon ang mga consumers na nagiging biktima ng ilang mapagsamantalang credit cards company.
Isang malaking negosyo na anila ang credit card at parami ng parami ng mga Pinoy na nalulubog sa utang dahil sa patung-patong na interes na ipinapataw ng mga kompanya.
Ayon sa ulat, ang ipinapataw na interes ng credit card firms ay nasa 3.5 percent per month o kabuuang 42 percent kada taon.
Hindi pa kasama sa nasabing tubo ang penalties para sa late payment at iba pang legal fees kung hindi nababayaran ang utang.
Ang lending rates ng mga credit companies ay mas mataas pa sa lending rates sa mga bangko na naglalaro lamang sa 15%-19% per annum. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest