^

Bansa

DENR naglinaw sa permit

-
Walang pinalabas na temporary permit ang Department of Environment and Natural Resources sa negosyanteng si Gloria Dy para pangasiwaan ang Numacia warehouse habang wala pang pinalalabas na resulta sa ginawang subasta para muling paupahan ang bodega sa Phil. National Bank.

Ang paglilinaw ay ginawa ni DENR Secretary Elisea Gozun ng kapulungin niya si PNB president Lorenzo Tan kaugnay ng aplikasyon nitong palawigin ang kontrata sa pagpapaupa ng ari-arian sa Binondo na ginawang bodega.

Nagpadala rin si Gozun ng isang liham kay Siony Prioreschi, presidente ng Binondo Land Development Inc. noong Oktubre 19, 2003 na naglilinaw na wala siyang pinalabas na temporary o provisional permit kay Dy para makontrol nito ang kinukuwestiyong pasilidad.

Sinabi pa ni Gozun na ang inaprubahan lang ng kanyang upisina ay ang pagpapahintulot ng temporary o provisional permit sa mga umookupa ng pasilidad para ang DENR ay makakolekta ng buwanang rentang P402,730.72 habang ginaganap pa ang bidding.

Sabi pa ni Gozun, nais nilang maisubasta ang pagpapaupa ng pasilidad pero kailangang humingi ng alituntunin sa korte dahil sa ipinalabas na TRO ng Court of Appeals.

Ang paliwanag ay ginawa ni Gozun kaugnay ng negosasyong ginagawa ng PNB sa DENR para sa muling pagpapaupa ng ari-arian na may sukat na 8,530.16 metro kuwadrado sa Numacia at Urbiztondo sa Binondo, Maynila sa loob ng 25 taon. Natapos na ang kontrata ng PNB sa pag-upa ng pasilidad noong Hulyo 23, 2003. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BINONDO

BINONDO LAND DEVELOPMENT INC

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

GLORIA DY

GOZUN

LILIA TOLENTINO

LORENZO TAN

NATIONAL BANK

NUMACIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with