^

Bansa

US$21-M x-ray machines ungot ng customs vs droga

-
Higanteng x-ray machine ang kailangan at mahalaga sa misyon upang maging epektibo ang mga ahensiya ng gobyerno sa kampanya laban sa paglaganap ng ipinagbabawal na droga.

Ito ang sinabi ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Joey Lina kahapon.

Ayon kay Lina, plano ng Bureau of Customs na magkaroon ng pitong nabanggit na x-ray machine at maaaring makigamit na lamang dito ang mga operatiba ng mga ahensiya na nakatalaga laban sa mga sindikato ng droga sa bansa, gaya ng DILG.

Tinatayang nagkakahalaga ng mula US$1 million hanggang US$3 million ang isang higanteng x-ray machine o katumbas ng US$21 million sa pitong machine.

Naniniwala si Lina na lalong magiging epektibo ang kanilang kampanya laban sa mga ipinagbabawal na gamot kung may mga katulad ng nabanggit na gamit ang mga ahensiya sa anti-prohibited drugs.

‘"Kung magkakaroon tayo ng ganoong uri ng gamit, mahihirapan ang mga sindikato na maipuslit ang kanilang kontrabando, " sabi ni Lina.

Kahit anya nakapaloob sa makapal na bagay ang itinatagong kontrabando, tiyak malalaman at matutukoy kung anong uri ito.

Kaya lamang anya, napakalaking halaga ang kailangan para magkaroon ng katulad na sophisticated high-calibrate x-ray machine. (Ulat ni Cesar Cezar)

vuukle comment

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

CESAR CEZAR

HIGANTENG

KAHIT

KAYA

SECRETARY JOEY LINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with