Thailand nagbigay ng eroplano sa Pilipinas
September 9, 2003 | 12:00am
Pormal na isinalin kahapon ng Thai government sa Philippine Air Force ang apat na OV-10 aircraft mula sa Royal Thai Air Force.
Sinabi ng bumisitang si Thai Prime Minister Thaksin Shinawatra, ang turnover ceremony ng mga eroplano ay simbolo ng spirit of goodwill at konkretong patunay ng mahigpit na ugnayan ng gobyerno ng Pilipinas at Thailand.
Ayon sa Thai PM, pareho sila ng vision ni Pangulong Arroyo lalo na sa laban kontra terorismo, kahirapan, katiwalian at droga, gayundin ang pagpapabuti sa buhay ng bawat Filipino. Sinaksihan din ng dalawang lider ang paglagda ng renewal ng memorandum of understanding on the development of cooperation sa pagitan ng mga kumpanyang Filipino at Thai.
Nabatid na ang OV-10 Bronco ang pangunahing sandata ng PAF sa paglulunsad ng counter-insurgency at counter-terrorism. Mayorya ng mga field commanders ay malaki ang pananalig sa kakayahan ng Bronco aircraft sa tinurang "softening hostile grounds" bago sumalakay ang puwersa ng militar para suyurin ang kampo ng mga kalaban ng pamahalaan.
Ang PAF ay unang nakakuha ng kahalintulad na aircraft noong 1991 na nabili sa halagang $372,000 bawat isa. (Ulat nina Ely Saludar/Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest