Lina at Ebdane pinasisibak
July 16, 2003 | 12:00am
Nagkaisa kahapon ang mga mambabatas sa kanilang panawagan na sibakin sa kanilang tungkulin sina PNP Chief, Gen. Hermogenes Ebdane at DILG Sec. Joey Lina kaugnay sa pagkakatakas ni self-confessed Indonesian terrorist Fathur Roman Al-Ghozi at dalawa pang bomb expert ng Abu Sayyaf.
Ayon kay Minority Floor Leader Carlos Padilla, isang isyu ng command responsibility at "breach of security" ang naganap na pagkakapuga ng tatlo kaya dapat lamang sibakin sina Ebdane at Lina.
Hindi aniya dapat isisi lamang sa "maliliit o small fry" na pulis ang pagkakatakas ng tatlo at kung may dapat mang managot sa insidente, itoy walang iba kundi si Ebdane at Lina, na may kontrol sa PNP bilang hepe ng DILG.
Nanawagan kahapon si Sen. Ramon Magsaysay Jr. kay Ebdane na magbitiw na lamang ito sa kanyang tungkulin kapag nabigo itong muling maaresto sa loob ng 72-oras si Al-Ghozi na bomb expert ng Jemaah Islamiyah at dalawa pa.
Bunga nito, isinuhestiyon ni Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada kay Pangulong Arroyo na magsagawa ng top-to-bottom reorganization sa PNP at ibigay sa mas kuwalipikadong pulis ang posisyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended