Pagpili ng Lakas standard bearer maaantala kay GMA
July 10, 2003 | 12:00am
Hindi makakilos ang pamunan ng administration party Lakas-NUCD dahil sa pagpapakipot ni Pangulong Arroyo sa pagkandidato sa 2004 presidential elections. Ayon kay Presidential Adviser for Political Affairs Hernani Braganza, hindi naman naka-ukit sa bato o wala namang patakaran para sa petsa ang proseso sa pagpili ng kandidato ng partido.
Dahil dito, malabong masunod ang taning ni dating Pangulong Ramos na dapat July 21 ay ilabas ang pinal na listahan ng standard bearer ng partido para sa 2004. Nilinaw ni Braganza na ang selection committee ng Lakas ay hindi lang naka-sentro sa presidential race dahil kasama dito ang vice presidential, senatorial at local positions.
Nauna rito, inihayag ni Ramos na dapat ay maagang magdesisyon si Pangulong Arroyo kung kakandidato o hindi ito sa 2004 elections at ideklara na bago ang State of the Nation Address. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest