Bush ibig tumakbo si GMA sa 2004
May 22, 2003 | 12:00am
Upang masigurong maipagpapatuloy ang kampanya ng Amerika laban sa terorismo, inudyukan ni US Pres. George Bush si Pangulong Arroyo na tumakbong muli sa pagka-pangulo sa 2004.
Sinabi ni Presidential Adviser on Overseas Filipino Communities Heherson Alvarez, Lakas spokesman, hinihingi ng mga opisyal ng US State Department ang pinal na planong pulitikal ni Pangulong Arroyo dahil nais makasiguro ni Bush na maipagpapatuloy ang mga programang pinaglalaanan ng Amerika ng ayuda kaugnay ng kampanya laban sa terorismo.
Sinabi pa ni Alvarez na hindi lang ang mga opisyal ng US ang nagnanais na ipagpatuloy ng Pangulo ang kandidatura nito sa 2004 kundi maging ang libu-libong mga Pilipinong residente ng Amerika.
Hindi kukulangin sa 3 milyong Pinoy doon ang lalahok sa botohan sa 2004 sa ilalim ng Absentee Voting at sigurado anyang kuha ng Pangulo ang majority nito.
Base sa pagtaya ng Malacañang, mula $2,521.51 bilyon hanggang $3,120.51 bilyon ang ayudang maaaring makuha ni Pangulong Arroyo mula sa Amerika sa kanyang state visit.
Sa isang press briefing, sinabi ni Presidential Chief of Staff Rigoberto Tiglao na sa inaasahang tulong na ito, $119.31M para sa depensa at seguridad; $1.418.2M sa pagpapaunlad ng ekonomiya; $18M sa empleyo; $743M sa multilateral institutions at $223M sa NGOs.
Ipinabatid din ni Foreign Affairs Secretary Blas Ople na ang US govt ay magkakaloob ng $32.18 milyon para matulungan ang pamahalaang Pilipinas sa programa nito sa pagpapabuti ng buhay ng 25,000 mga dating rebelde ng MILF. Ang halagang ito ay bahagi ng $72M programa ng USAID para matulungan maibangon ang magulong lugar sa Mindanao.
Ang isyu sa maaaring pagtakbo uli ng Pangulo ay muling lumutang matapos tila nagbago ang desisyon ni Pangulong Arroyo sa halalan kaugnay ng state visit niya sa US.
Tumanggi na itong magbigay ng komentaryo sa plano nito sa halalan sa 2004, taliwas sa dati niyang sinasabi na buo na ang desisyon niyang hindi tatakbo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended