^

Bansa

OFWs isinuka na rin ng Taiwan

-
Matapos ang hakbang ng Libya, sumunod na rin ang pamahalaan ng Taiwan sa pagbabawal sa pagpasok ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa kanilang bansa dahilan sa nakakaalarmang pagkalat ng sakit na Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) na kumitil na rin sa buhay ng ilang Pinoy.

Sinabi ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Chief Rosalinda Baldoz na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pansamantalang pagbabawal ng Taiwan na mag-hire ng mga manggagawang Pilipino.

" Wala pa tayong pormal na abisong natatanggap galing Taiwan pero nalaman natin sa Chinese Airlines na binigyan sila ng direktiba para huwag isakay sa eroplano ang mga Pilipino na magtutungo sa kanilang bansa," pahayag ni Baldoz.

Sa kabila nito, sinabi ni Baldoz na pinahihintulutan pa rin ng Taiwan Economic and Cultural Office (TECO) ang pagpasok sa Taiwan ng mga OFWs pero ito’y sa kaso lamang ng mga emergency.

Ayon kay Baldoz, kasalukuyan pang nakikipag-ugnayan ang kaniyang departamento gayundin ang Foreign Affairs at Labor sa TECO upang alamin kung anu-anong uri ng mga manggagawa ang kabilang sa klasipikasyon ng "emergency cases."

Nabatid pa sa opisyal na inoobliga rin ng TECO ang mga manggagawang Pinoy sa ‘emergency cases’ upang sumailalim sa 10 araw na quarantine para makatiyak na wala ang mga itong SARS bago pahintulutang makapagtrabaho.

Tiwala naman si Baldoz na ang ban sa mga OFW ay hindi makakaapekto sa pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa Taiwan habang pinag-aaralan pa ang nasabing bagong polisiya.

Base sa rekord na nakalap ng POEA, tinatayang umaabot sa 4,000 OFWs ang nasa Taiwan sa nakalipas na apat na buwan kung saan tumaas ang bilang nitong Abril.

Nabatid na ang Taiwan ay dumaranas rin ng krisis sa SARS bagaman wala pa ni isa sa mga mamamayan nito ang nasawi sa kinatatakutang killer pneumonia.

Magugunita na nito lamang nakalipas na buwan ay ipinagbawal rin ng bansang Libya ang pagpasok ng mga manggagawang Pilipino matapos makarating sa kanila ang ulat na isang Filipina na si nursing attendant Adela Catalon ang nasawi sa nasabing karamdaman matapos itong umuwi sa kanyang bayan sa Alcala, Pangasinan galing sa Toronto, Canada. (Ulat nina Joy Cantos/Butch Quejada)

ADELA CATALON

BALDOZ

BUTCH QUEJADA

CHIEF ROSALINDA BALDOZ

CHINESE AIRLINES

FOREIGN AFFAIRS

PILIPINO

PINOY

TAIWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with