^

Bansa

Judge sa bribery nagbigti

-
TARLAC CITY – Isang 46-anyos na hukom sa lalawigang ito na kamakailan ay inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa kasong bribery ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti noong Martes ng gabi.

Natagpuang nakabitin gamit ang isang nylon cord sa loob ng kanilang bahay kinaumagahan ang biktima na kinilalang si Judge Arnel Peralta, presiding judge ng Panique Municipal Trial Court.

Tinangkang iligtas ang hukom ng kanyang asawang si Teresita at isinugod sa pinakamalapit na ospital subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Inalis ng Tarlac Provincial Police Office ang posibilidad na may foul play sa insidente at ang pagkasawi umano ng huwes ay isang "plain suicide" bagama’t napag-alaman na may mga death threats ang huli.

Nauna sa insidente, dinakip si Peralta ng NBI agents sa isinagawang entrapment operation matapos na maaktuhang tumatanggap ng marked bribe money na P10,000 kay Dra. Luz Imelda Macaraeg, anak ni dating Moncada mayor Wilfredo Macaraeg sa loob ng kanyang tanggapan.

Ang umano’y extortion ay isinagawa sa pamamagitan ng isang Jaime Cuchapin, dating security guard ng Panique Municipal Hall upang magpalabas ng desisyon ang nasabing hukom na pumapabor kay Dra. Macaraeg mula sa kinasasangkutan nitong slander case.

Sinampahan ni Atty. Florencio Binalay, pinuno ng NBI Provincial Office na nakabase sa lalawigang ito si Peralta ng kasong kriminal dahil sa direct extortion at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act. (Ulat ni Benjie Villa)

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

BENJIE VILLA

DRA

FLORENCIO BINALAY

JAIME CUCHAPIN

JUDGE ARNEL PERALTA

LUZ IMELDA MACARAEG

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANIQUE MUNICIPAL HALL

PANIQUE MUNICIPAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with