^

Bansa

MILF bumili ng $2.2M armas, submarine sa North Korea

-
Ibinunyag kahapon ng AFP ang isang dokumento na nagpapakita ng posibleng pagbili ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ng may US$2.2 milyong halaga ng malakas na kalibre ng mga armas pandigma at maging submarino.

Sa isang pulong balitaan, ipinakita ni AFP spokesman Col. Essel Soriano ang naturang dokumento na pirmado ni MILF vice chairman for political affairs Ghadzali Jaafar at isang North Korean na nagngangalang Rim Kil Dho.

Naisagawa ang bentahan noon pang Setyembre 25, 1999 at naideliver umano ang naturang mga armas noong Setyembre 29 naturan ding taon.

Ipinakita ni Soriano ang mga malalakas na kalibre ng baril kabilang na ang mga bagong modelo ng M-16 armalite, machine gun at isang midget submarine.

Tumanggi naman si Soriano na kumpirmahin kung hawak na ngayon ng mga rebelde ang naturang submarino na maaaring gamitin sa paglabas-pasok ng mga opisyal ng MILF sa bansa, pagpasok ng mga armas at mga importanteng kagamitan na hindi nade-detect ng Phil. Navy.

Nakuha ang naturang dokumento noong nakaraang Pebrero sa bahay mismo ni MILF chairman Hashim Salamat sa pagkubkob ng AFP sa Buliok complex.

Sinabi ni Soriano na nanggaling ang naturang pondo buhat sa suporta ng ibang bansa na sumusuporta sa terorismo. Malaki umano ang posibilidad na may kaugnayan dito si Al-Qaeda leader Osama bin Laden. (Ulat ni Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

ESSEL SORIANO

GHADZALI JAAFAR

HASHIM SALAMAT

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NORTH KOREAN

RIM KIL DHO

SETYEMBRE

SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with