^

Bansa

Separation pay ng maaalis na BIR employees unahin!

-
Iginiit kahapon ni Senator Tessie Aquino-Oreta na dapat munang siguruhin ang separation pay ng mga empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) bago isipin ng pamahalaan ang planong gawing korporasyon ito.

Sinabi ni Sen. Oreta, dapat ding masiguro ng Arroyo administration at Kongreso na walang lalabaging alituntunin sa serbisyo sibil o probisyon ng Konstitusyon ang planong gawing National Authority for Revenue Administration (NARA) ang BIR.

Aniya, bago isipin ng gobyerno at Kongreso na palitan ang BIR ng NARA ay ayusin muna ang magiging separation pay ng may 11,300 empleyado nito na nakatakdang mawalan ng trabaho.

May duda naman ang mga empleyado na taktika lamang ito ng Arroyo government upang maipasok ang kanilang mga bata sa itatayong NARA at manumbalik ang sistemang political patronage sa bansa.

Ipinaliwanag pa ni Oreta, hindi ang pagbabago ng pangalan ng BIR ang makakalutas sa katiwalian sa nasabing ahensiya ng gobyerno kundi ang pagiging epektibong galamay ng pamahalaan upang habulin ang mga tax evaders. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

IGINIIT

IPINALIWANAG

KONGRESO

NATIONAL AUTHORITY

ORETA

REVENUE ADMINISTRATION

RUDY ANDAL

SENATOR TESSIE AQUINO-ORETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with