^

Bansa

Iraqui diplomat sisipain na sa 'Pinas

-
Iniutos na kahapon ng pamahalaang Pilipinas ang pagpapatalsik kay Iraqi Embassy Second Secretary Husham Hussain dahil sa posibleng maging banta ito sa seguridad ng bansa matapos madawit sa Abu Sayyaf.

Binigyan ng 48-oras ng gobyerno si Hussain na umalis na sa bansa kung saan ang "verbal note" ay ipinaabot ni Foreign Affairs Secretary Blas Ople kay Iraqi Charge d’ Affaires Samir Bolus.

Sinabi ni Ople na nakatanggap rin ng impormasyon mula sa intelligence community na may lihim na pagpupulong sa pagitan ng ilang opisyal ng Iraq at mga opisyal ng teroristang National Democratic Front upang labanan o pabagsakin ang pamahalaan.

Nagbigay naman ng kasiguruhan si Bolus na aalis sa Pilipinas si Hussain bago ang takdang oras pabalik sa Iraq.

Hindi naman nagbigay ng konkretong dahilan ang pamahalaan hinggil sa pagpapalayas kay Hussain. Hindi rin naman umangal si Bolus sa naging desisyon ng pamahalaan at tinanggap ng kusa ang naturang verbal note. (Ulat ni Ellen Fernando)

ABU SAYYAF

AFFAIRES SAMIR BOLUS

BINIGYAN

ELLEN FERNANDO

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY BLAS OPLE

HUSSAIN

IRAQI CHARGE

IRAQI EMBASSY SECOND SECRETARY HUSHAM HUSSAIN

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with