^

Bansa

Pamilya Marcos dudukutin, lilitisin ng NPA

-
Matapos ang pagpapasabog ng ulong rebulto ni dating Pangulong Marcos, inihayag kahapon ng pamunuan ng New People’s Army (NPA) na isusunod nilang dukutin at litisin ang natitirang kasapi ng pamilyang Marcos dahil sa mga kasalanan umano ng mga ito sa sambayanan.

Isinagawa ang naturang pahayag kahapon sa radyo ni Communist Party of the Philippines-NPA spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal matapos ang pag-amin nila sa pag-atake sa naturang rebulto sa Tuba, Benguet.

Sinabi ni Ka Roger na ang pag-atake umano ay bilang tanda na hindi pa nila nakakalimutan ang mga pang-aabuso na ginawa ni Marcos sa mga magsasagawa at maralita noong rehimen nito.

Idinagdag nito na noon pang 1998-1999 naaprubahan ng central committee ng CPP-NPA ang pagdukot at paglilitis sa pamilyang Marcos ngunit hindi lang maisagawa dahil sa higpit ng seguridad ng mga ito.

Inakusahan nito sina dating First Lady Imelda Marcos, Cong. Bongbong Marcos, Congw. Imee Marcos-Manotoc at Irene Marcos-Araneta na siyang nagpapasasa umano sa mga ninakaw ng dating diktador.

"Ang nakakalungkot pa nito, matigas pang ipinagmamalaki nila na hindi sila gumawa ng pagsasamantala nang sila pa ang nasa Malacañang. Ni hindi sila humingi ng patawad at gumawa man lang ng paraan upang makabawi sa mga maralita sa pamamagitan ng pagtulong," ani Ka Roger.

Sa kabila ng pagdadagdag naman ng bilang ng pulisya na nagbabantay sa mga Marcoses, sinabi ni Ka Roger na mas lalo nilang paiigtingin ang pagnanais na makuha ang mga ito at maaring sumiklab umano ang madugong sagupaan dahil sa mga armadong bantay nila. (Ulat ni Danilo Garcia)

BONGBONG MARCOS

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

DANILO GARCIA

FIRST LADY IMELDA MARCOS

IMEE MARCOS-MANOTOC

IRENE MARCOS-ARANETA

KA ROGER

MARCOS

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with