^

Bansa

2 binatilyo nagpaputok, tinodas

-
Naging mitsa ng buhay ng dalawang magkaibigang binatilyo ang maagang pagseselebra ng Bagong Taon nang pagbabarilin ng isang di nakikilalang lalaki matapos na sila ay tumanggi umanong magpasaway sa ginagawa nilang pagpapaputok, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dean-on-arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tig-isang tama ng bala ng baril sa katawan ang mga biktimang sina Rodel Belen at Armando Palomo, kapwa 16-anyos at pawang residente ng Block 16 Kamada compound, Kaunlaran Village nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong 6:52 ng gabi ng makitang nagpapaputok umano ng rebentador ang dalawang biktima hindi kalayuan sa bahay ng mga ito ng mapadaan ang suspek at pagbawalan ang dalawa sa ginagawang pagpapaputok dahil maari umanong makadisgrasya ang mga ito.

Hindi naman pinansin ng dalawa ang pananaway ng suspek hanggang sa bigla na lamang nitong binunot ang dalang baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang magkaibigan.

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang suspek habang mabilis namang isinugod sa nasabing pagamutan ang dalawang biktima ng mga sumaklolong kapitbahay. (Ulat ni Rose Tamayo)

ARMANDO PALOMO

BAGONG TAON

CALOOCAN CITY

KAMADA

KAUNLARAN VILLAGE

MATAPOS

RODEL BELEN

ROSE TAMAYO

TONDO MEDICAL CENTER

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with