^

Bansa

Bayaning sundalo pinarangalan din matapos ang 61 taon

-
Sa wakas, matapos ang 61 taon ay nakamit rin ng pamilya ng isang nasawing sundalo ang karangalan ng gawaran ito ng Medalya ng Kagitingan kahapon sa pagdiriwang ng ika-67 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng AFP sa seremonyang ginawa sa Camp Aguinaldo.

Kinilala ang isa sa mga pinarangalang sundalo na si 2nd Lt. Arcadio Mayor ng Philippine Army na namuno sa mga elemento ng Combat Company, 1st Regular Division ng USAFFE bilang "rear guard action" laban sa pananakop ng puwersa ng mga Hapon sa Lucban, Quezon sa kasagsagan ng World War II noong Disyembre 26, 1941.

Ang pagiging isang magiting na kawal ni Mayor ay nailimbag sa aklat ng kasaysayan ng bansa subalit ngayon lamang ito pormal na nabigyan ng recognition o pagkilala ng AFP.

Si Mayor ay ginawaran ng Gold Cross medal na tinanggap naman ng kapatid nitong si Gaudencio Mayor.

Wika ng pamilya ni Mayor, kung nabubuhay pa umano ito ay tiyak na wala rin itong pagsidlan sa kagalakan dahil sa karangalan.

Kabilang pa sa tumanggap ng parangal ay mula sa hanay ng lokal na opisyal, sibilyan, CAFGU at iba pang personnel at unit ng AFP. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ARCADIO MAYOR

CAMP AGUINALDO

COMBAT COMPANY

GAUDENCIO MAYOR

GOLD CROSS

JOY CANTOS

PHILIPPINE ARMY

REGULAR DIVISION

SI MAYOR

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with