^

Bansa

ERC ipapatupad ang desisyon ng Korte Suprema

-
Binigyan ng katiyakan ng Energey Regulatory Commission (ERC) na ipatutupad nito ang magiging pinal na desisyon ng Korte Suprema matapos umapela ang Manila Electric Company (Meralco) kaugnay ng kontrobersiyal na pagbabalik ng umano’y P 28 bilyong kinurakot nito sa taumbayan sa pamamagitan ng sobrang singil sa bayarin ng kuryente.

Ito’y sa gitna na rin ng agam-agam sa panig ng milyong mga consumers sa bansa na hindi sila bayaran ng Meralco sa overcharges nito sa loob ng nakalipas na walong taon.

Sinabi naman ni ERC Acting Chaiperson Commissioner Leticia Ibay na bukas ang kanilang tanggapan sa suhestiyon kung paanong paraan maibabalik sa mga consumers ang sobrang naibayad nila sa kuryente simula pa noong 1994 at kabilang na dito ay ang pagbabawas sa electric bills sa Disyembre.

Gayunpaman, nilinaw naman ni Ibay na pangunahin nilang ikukonsidera ang magiging panukala ng Meralco sa oras na magpalabas ang Korte Suprema ng pinal na desisyon.

Samantala hinamon ni Sanlakas national president Wilson Fortaleza na magpalabas ng posisyon ang mga ABS-CBN senators na sina Noli de Castro, Rene Cayetano, Loren Legarda at Kiko Pangilinan dahil sa pagiging tikom ng bibig ng mga ito ukol sa isyu.(Ulat ni Joy Cantos)

ACTING CHAIPERSON COMMISSIONER LETICIA IBAY

ENERGEY REGULATORY COMMISSION

JOY CANTOS

KIKO PANGILINAN

KORTE SUPREMA

LOREN LEGARDA

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

RENE CAYETANO

WILSON FORTALEZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with